Sa Pasko, Sasapit Din
Lyrics
I
Sesetyembre pa lamang bumubulong na
Kantang namamasko sa pusong inulila.
Sa banketa't kalsada'y nagsisisksikan
Ang nagmamadali at ang naglalamangan
Nangangamba; butas ang bulsa. Tala't parol para san pa?
Kulang ang kislap bituin ngayong agaw dilim
KORO
Pinangakong darating sa Pasko ay sasapit din
mapapasaatin ang bawat hanap, hiling, at hangarin.
Lingap sa pag-iisa, biyayang laan sa aba,
Buhay, ligaya, nagliliyab na pagsinta at pag-asa
sa Pasko ay isisilang na.
II
Panong magdidiriwang sa hapag na salat?
Di sapat ang handa, di buo ang pamilya.
May pumanaw may nagtakwil sa alitan
mayroong naglayas at may nag-ibang-bayan.
Siyam na gabi magsisimba bagong dasal - sasapat ba?
Pagharap sa Belen, lamat ba'y hihilom pa? KORO
Kaya't libong taon ma'y lumipas, inaawit pa
Himig ng kaligtasan handog ng Sanggol at ina. KORO