Sa Batong Ito
Lyrics
Hirap, kalungkutan at kasalatan:
Sari-saring sakit ang mapagmamasdan.
Tila nga walang kabuluhang mabuhay pa.
Butil ng pag-asa, sa'n ba makikita?
Nasaan ang diwa ng pagmamahal
Na maghahatid ng awa ng Maykapal?
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa.
Sa 'ting umaasa, nangangako Siya t'wina:
KORO
"Sa batong ito, itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, titipunin Ko sila't babantayan!
Sa batong ito, kaligtasan ay siyang makakamtan!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"
Narito ang diwa ng pagmamahal:
Ang umibig tayong tulad ng Maykapal.
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa:
Angkang umiibig, bayang nanalig! (REFRAIN)
"Sa batong ito, itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, madadaig maging kamatayan!
Sa batong ito, kapiling niyo Ako kailanpaman!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"
"Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"
Information
BAYAN, UMAWIT! Songwriting Contest Winner
Composer: Fr. Benito Justiniano
The Church is a living witness to the presence of Christ on earth, the rock upon which the Kingdom of God will be built. Fortified by faith and strengthened by love, the Church gives hope to those most in need of it.