Pasko ng Pag-ibig
Lyrics
Handa na ba ang ating sarili
sa pagdating ng Tanging Napili?
Ialay sa Kanya ang papuri't
pasasalamat ng ating lipi.
Limutin na ang mga alitan,
ang karamutan at pag-aaway.
KORO
Magmahalan, magbigayan, at magkasundo.
Iwaksi ang galit sa ating mga puso.
Punuin na ng saya't ligaya ang mundo.
Panahon ng pag-ibig ang Pasko.
Katotohanan N'ya ay sabihin.
Kadakilaan N'ya ay awitin.
Dinggin daing ng kapwa natin:
Kapayapaan sa mundo'y hiling
Limutin na ang mga alitan,
ang karamutan at pag-aaway. (KORO)
Maging pag-asa sa ating kapwa.
Maging huwaran ng pag-unawa.
Pigilan lahat ng pagdurusa.
Dukha at api'y bigyang kalinga! (KORO)
Information
Titik: Lui Morano
Himig: Norman Agatep