Panginoon ng Aking Buhay

Lyrics

I
Ikaw ang Panginoon ng aking buhay
Na sa aki'y pag-ibig ang laging alay.
Sa tamis ng 'Yong kalinga, ang laging kong dasal
Ay manahan ako sa 'Yong pagmamahal.

II
Ikaw ang Panginoon ng aking buhay
Nanunuyo sa 'king puso tuwing nananamlay,
nang ako'y manatiling sabik sa Maykapal.
Panginoon Ko, aking minamahal!

KORO
Di ako matatakot sa gitna ng unos,
'pagkat nariyan Ka, Panginoon, tanging sandalan ko.
Sa piling Mo twina'y ay babalik ako't nang di mawalay sa 'Yo.

(Ulitin ang II)

(KORO 2x)

KODA
Ikaw lamang, O Panginoon,
Ikaw ang aking buhay!

Information

BAYAN, UMAWIT! Songwriting Contest Winner 

Composer: NiƱo Andrade

Austere and elegant, this love song to God speaks plainly of our need for Him. The Lord of our lives beckons us when we stray, reassures us when we fear, and shelters us in His love.