Panalangin ng Bayan

Lyrics

TUGON
Panginoon, dinggin ang aming panalangin

Ipinapanalangin namin, minamahal naming bayan
Akayin sa paglalakbay patungo sa kapayapaan (TUGON)

Ipinapanalangin namin, simbahan Mo sa daigdig
Gawing Mong tapat na saksi ng walang-hanggan Mong pag-ibig (TUGON)

Ipinapanalangin namin ang bawat mahal sa buhay
Ibuklod Mo kami sa pag-ibig, ligaya't liwanag Mong tunay (TUGON)

KARAGDAGANG SALITA
Ipinapanalangin namin, nakaluklok sa katungkulan
Bigyan Mo sila ng lakas ipaglaban ang katarungan (TUGON)

Ipinapanalangin namin, relihiyoso't kaparian
Na sa kanilang paglilingkod, lagi Ka naming masaksihan (TUGON)

Ipinapanalangin namin, may sakit at nagdurusa
Nang lagi nilang maranasang lagi nilang kapiling Ka (TUGON)

Ipinapanalangin namin, mahal naming yumao na
Dalhin Mo sila sa 'Yong piling upang sa wakas masilayan Ka (TUGON)

Ipinapanalangin namin, naliligaw at nakalimutan
Akayin Mo sila sa liwanag ng kaloob Mong kaligtasan (TUGON)