Pagkabighani

Lyrics

Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naaakit na Kita'y mahalin,
At hindi sa apoy - kahit anong lagim -
Ako mapipilit nginig Kang sambahin.

Naaakit ako na Ika'y mamalas
Nakapako sa krus, hinahamak-hamak.
Naaakit ng 'Yong katawang may sugat
At ng tinanggap Mong kamataya't libak.

Naaakit ako sa 'Yong pag-ibig
Kaya't mahal Kita kahit walang langit,
Kahit walang apoy, sa 'Yo'y manginginig.

Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka
Pagkat kung pag-asa'y bula lamang pala,
Walang mababago, mahal pa rin Kita!

Information

Lyrics: Saint Francis Xavier
Translation: Albert Alejo, SJ
Music: Manoling Francisco, SJ

COMMUNION