O Hesus, Hilumin Mo
Lyrics
KORO:
O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo
Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit (KORO)
Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan (KORO)
Information
Hinihiling nitong pulutin ni Hesus ang pira-piraso ng basag-basag na buhay, at muling buuin. Sapagkat Siyang sinugatan at binasag sa krus ang Siyang pinakamainam at pinakamabisang lunas at ligaya ng pusong sugatan at basag din. Sa gayong paraan, nakamtan ang lakas at tapang upang humayo at magdala ng pag-ibig at paghilom sa kapwa sugatan.