Kailan Pa Man

Lyrics

REFRAIN
Kailanpaman 'di mawawalay
Pag-ibig Ko sa inyong tapat at tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.

'Di na mag-iisa,
Mangangamba, mangungulila.
Kayo'y Aking hinango,
Muling sinuyo sa 'King puso. (REFRAIN)

Kahit anong dilim,
Anong lagim ng tatahakin,
Kayo'y aalagaan,
Gagabayan kailan pa man. (REFRAIN)

Bansang Aking sinugo,
H'wag masiphayo at h'wag susuko.
Kayo'y pangungunahan,
'Pagsasanggalan kailan pa man. (REFRAIN)

Information

Based on Deuteronomy 31:6

Music: Norman Agatep, Manoling Francisco, SJ and Palan Reyes 
Lyrics: Manoling Francisco, SJ and Ernald Andal, SJ 
Featuring: Nino Venida

Communion Song