Hindi Kita Malilimutan
Lyrics
Hindi kita malilimutan
Hindi kita pababayaan
Nakaukit magpakailanman
Sa 'king palad ang 'yong pangalan
Malilimutan ba ng ina
Ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan
Paano niya matatalikdan
Ngunit kahit na malimutan
Ng ina ang anak niyang tangan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Hindi kita malilimutan
Kailanma'y di pababayaan
Information
Sa pamamatnubay ni Mr. Pagsi, isinulat ng klaseng 1A ng Ateneo de Manila High School ang titik na batay sa Isaias 49:14-16. Tatlong estudyante ang napiling lumikha ng himig at napili ang gawa ni Manoling. Hindi raw siya inspired sa paglikha - ginawa nya habang naghihintay ng merienda. Natapos niya ang homework na iyon sa loob ng apatnapung minuto. Ngunit tunay ngang mahiwaga ang gawa ng Panginoon. Nagwagi ang awit ng unang gantimpala sa timpalak Awit Pangmisa ng Ateneo High School. Sa mga sumunod na mga araw mag-isang kumalat ang awit sa buong Ateneo, sa buong Pilipinas, at sa bawat sulok ng mundong mayroong mga Pilipinong nagtitipon upang ipagdiwang ang pananampalataya. Masasabing dito nagsimula ang masiglang paglikha ni Manoling ng mga awiting pansamba - na malaking ambag sa pagtubo ng Bukas Palad Music Ministry.