Himig ng Hangin

Lyrics

Malamig, may nanginginig  
May 'sang tinig na may ibig ipahiwatig  
Biglang-bigla, sinalubong ko and bulong nito  
At ganito, makinig kayo

Pasko na! Gising na!  
Mga matang pikit imulat na  
Huwag ipinid, buksan ang bintana  
Hadlang sa balitang tangan  
Si Hesus ay narito na  
Duyan, duyan ni Maria

Sa pag-ihip ng hangin  
Ako'y napilitan isara muli ang bintanang  
Binuksan na upang pakinggan  
Mga umaawit sa buong kalangitan

Ngunit Pasko na naman diba  
Ang ginaw ay kalimutan na  
Huwag ipinid, buksan ang bintana  
Hadlang sa balitang tangan  
Si Hesus ay narito na  
Duyan, duyan ni Maria

Ngunit Pasko na naman diba  
Ang ginaw ay kalimutan na  
Huwag ipinid, buksan ang bintana  
Hadlang sa balitang tangan  

Si Hesus ay narito na  
Duyan, duyan ni Maria  

Si Hesus ay narito na  
Duyan, duyan ni Maria  

Aleluya!