Gloria in Excelsis Deo
Lyrics
I
Maulap man ang langit mo,
at magdilim ang 'yong mundo,
at parang hindi mo na maaninagan
ang kahulugan...
II
…ng pagdaloy ng panahon
sinubok mo bang itanong:
"Hindi ba't sa pagiging-tao ng Diyos,
tayo'y nagkaroon ng Manunubos?"
REFRAIN
Gloria in excelsis Deo!
Isinilang na ang Pag-asa ng mundo!
Gloria in excelsis Deo!
Emmanuel sa 'yo ang tawag! Gloria!
O Hesus, aming Liwanag! Gloria!
III
Mula sa kanyang pagka-Diyos,
nanaog si Kristo Hesus,
nang maipamalas sa ating lahat na buod ng buhay...
IV
…ang paghahandog-sarili
sa ating dukha at api.
Dahil hindi nga ba't sabsaban ang siyang
kauna-unahang tahanan ng Diyos? (REFRAIN)
CODA
Gloria!
Maulap man ang langit mo,
at magdilim ang 'yong mundo,
Diba't sa pagiging-tao ng Dios
tayo'y nagkaroon ng Manunubos?
Emmanuel ang tawag, O, aming Liwanag!
Gloria!
Isinilang na ang Pag-asa ng mundo!
Gloria in excelsis Deo!
Gloria in excelsis Deo!
Information
Words: Arnel Aquino, SJ
Music: Norman Agatep
Vocal Arrangement: Norman Agatep
Musical Arrangement: Paulo Zarate