Dakilang Pag-Ibig (Pieta)

Lyrics

REFRAIN
Dakilang Pag-ibig, saan man manahan,
Diyos ay naroon, walang alinlangan.

  1. O Ina, ika’y nagluluksa,
    Anak mong dakila, ngayo’y pumanaw na.
    Duyan-duyan muli ni Mariang Ina,
    si Hesus, sugatan at aba.
    (REFRAIN)

  2. O Poon, Iyong nakikita,
    Mag-anak na aba, salat sa pag-asa.
    Nawawalay at nangungulila
    silang hanap lamang ay guminhawa.
    (REFRAIN)

  3. O Poon, Iyong namamasdan
    Anak Mong dayuhan, pinagtatabuyan;
    lumilikas, nawa’y makalaya
    mula sa bansang biniyak ng digma.
    (REFRAIN)

CODA
Diyos ay naroon, walang alinlangan.

Information

Refrain
Words: Crispulo Pangilinan 
Music: Eduardo P. Hontiveros, SJ

New Verses
Words: Roy Tolentino 
Music: Norman Agatep 
Arrangement: Norman Agatep