Balang Araw

Lyrics

Balang araw ang liwanag matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga pagmamasdan sa tuwina

Balang araw mumutawi sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati

KORO:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!

Balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan (KORO)

Information

Sa mga titik mararamdaman kapayakan ng kagalakan ng batang inaantabayanan ang kasukdulan ng kapayapaan ng buong sangkatauhan.