Awit ng Pagsuyo

Lyrics

KORO:
Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin
Ay papuri't parangal sa 'yo
Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo

O mahal naming Ina
Aming galak at saya
Kandungin, aliwin
Kami sa oras ng pighati (KORO)

Kalangita'y nagdiriwang
Sa karangalang nakamtan
Puso mo'ng kay wagas
Kandungan ng Tagapagligtas (KORO)

CODA:
Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin
Ay awit ng pagsuyo