Tanging Yaman
Lyrics
KORO:
Ikaw ang aking tanging yaman
Na di lubusang masumpungan
Ang nilikha Mong kariktan
Sulyap ng 'Yong kagandahan
Ika'y hanap sa tuwina
Nitong puso'ng Ikaw lamang ang saya
Sa ganda ng umaga
Nangungulila sa 'Yo, Sinta (KORO)
Ika'y hanap sa tuwina
Sa kapwa ko Kita laging nadarama
Sa Iyong mga likha
Hangad pa ring masdan ang 'Yong mukha (KORO)
Information
Habang nasa loob ng nobisyado, hindi maiiwasang umibig sa Diyos. Habang nasa loob ng nobisyado, kataka-taka bang nilikha ang Tanging Yaman ni Mano?