Gumising

Lyrics

KORO:
Gumising! Gumising!
Mga nahihimbing
Tala'y nagniningning
Pasko na! Gumising!

Kampana't kuliling
Kumalembang, kling-kling
Ang Niño'y darating
Sa belen pa galing (KORO)

Kahit puso'y himbing
Masda't masasaling
Niñong naglalambing
Sa Inang kay ningning (KORO)

Puso'y masasaling
Luha ang pupuwing
Mag-inang kay lambing
Puso mo ang hiling (KORO)