Abang Maria
Lyrics
Sino'ng mas malumanay sa kogong kumakaway
Sino'ng mas dalisay sa hamog sa himaymay
Sino'ng mas malambing sa mapaglarong hangin
Sino'ng mas maningning sa buwan at bituin
KORO:
Abang Maria, mahal naming ina
Ang landas tungo kay Hesukristo
Buong tiwala kanyang winika;
Maganap nawa ang 'Yong salita
Sino'ng magpapayapa sa bagyong nananakot
Sino'ng magpapasigla sa damong sumukot
Sino'ng kandungan ng mga dukha
Sino'ng tanggulan ng mahihina (KORO)
Sino ang reyna ng langit at lupa
Sino'ng nag-aaruga sa lahat ng nilikha (KORO)