Sa Tahanan Ng Poon

Lyrics

Tinawag tayo ng dakilang Diyos
Tinangi ng pag-ibig N'yang lubos
Palatandaan ng pag-ibig N'ya
Tanglaw sa lahat ng bansa.

REFRAIN
Sa tahanan ng Poon, magtipon tayo
Sa pangako ng Poon, manalig tayo
sa pag-ibig N'yang wagas ang lahat maliligtas
Sa tahanan ng Poon, magdiwang tayo

Palalayain ang nabibihag,
Pamumulatin ang mga bulag,
At bubuhayin ang namamanglaw,
Papawiin ang uhaw. (REFRAIN)

At papatagin N'ya mga bundok,
Padadaluyin din ang ilog
Kukupkupin mula bawat sulok
Tayong bayan N'yang irog! (REFRAIN)

Information

Based on Isaiah 41:18; 42:6-7, 15; 44:3

Music: Norman Agatep
Lyrics: Manoling Francisco, SJ, Lui Morano and Roy Tolentino

PROCESSIONAL HYMN