Magpasalamat sa Kanya

Lyrics

REFRAIN
Umawit nang sama-sama!
Magpasalamat tayo sa Kanya!
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha!

Sa pag-ibig, sa pag-asa,
Sa biyaya at ligaya,
Magpasalamat sa Kanya
Sa mabuti N?yang balita. (REFRAIN)

Sa saganang pang-unawa
Sa masusing pagkalinga,
Magpasalamat sa Kanya
Sa handog N?yang kaligtasan. (REFRAIN)

Sa dalanging kaayusan
Sa mithiing kapayapaan,
Magpasalamat sa Kanya
Sa pangakong katarungan. (REFRAIN)

Information

Music by Norman Agatep
Lyrics by Lui Morano

Recessional