Bagong Buhay

Lyrics

Bawat hawak namin nagmumula sa ‘yo -
biyayang buhat sa pag-ibig mo.
Kung kaya kahit na maangkin ang lahat -
lahat ma’y hindi pa rin sapat

Munti’t marupok ang bisig at pangarap -
bala ng kanyon ang babasag.
Pagbasak lahat na nga’y magbabago na -
sisiklab sa ’sang kisap mata.

O Hesus, kunin Mo’t tanggapin
kalayaan at mithiin.
Hanap lamang ang biyaya’t pag-ibig Mo
na siyang babago sa ‘ming buhay at mundo.

Papanaog kahit na saan mang dako.
Susundin ang mga yapak Mo.
Yayakapin kapwa ligaw at aba
hanggang aming masilayan Ka.

Susulong kahit saan.
Hihigtan bawat hadlang.
Upang ang pag asa mo’t
katarungan ang maghari kailanpaman

Buhay at mundo

Information

Words & Music: Barok Gutierrez & Ali Figueroa
Musical arrangment: Norman Agatep

Ritual