Tagumpay ng Pag-Ibig

Lyrics

REFRAIN

Magsaya, magalak, at magbunyi!
Magsiawit ng mga papuri!
Sapagkat sa atin ay muli nang nagbalik
Siyang Hari natin ng pag-ibig!

Siya ang tagumpay na liwanag sa dilim
Buhay Niya ay inialay sa atin
Nang tayong lahat ay lubos na mabuhay
At makapiling Niya habambuhay

REFRAIN

Siya ang tagumpay na pag-asa sa lagim
Puso Niya ay binuwis para sa atin
Nang tayong lahat ay lubos na manalig
At makatulad Niyang umiibig

REFRAIN

Siyang Hari natin ng pag-ibig!