Pakikinabang

Lyrics

Tinapay na binasbasan, binunga ng lupa’t ulan
Hinati at inialay, handog namin sa ‘Yong hapag
Lahat ng gutom paramin, O D’yos naming mahabagin
Sa katawang tatanggapin, pagsasaluhan sa piging.

Ang alak na inumin— dugong aming tatanggapin
Ang uhaw ay papawiin, lumbay nami’y tatanggalin
Sa kalis ng bagong tipang amin ngayong iinuman
Ganap na kapatawaran sa a-ming kasalanan.

Hesus naming minamahal, buhay at naritong ganap
Ang Katawan at dugo Mo ay amin nang tinatanggap
Sa bawat na paggunita sa krus Mo at pagkabuhay
Aming laging nadarama, pag-ibig Mong sadyang tunay.

OPTIONAL VERSE
for Christmas, Passiontide, Feast of Sacred Heart, and Easter

Sa ‘Yong kapangana-kan, dangal muling itinatag
Sa puso Mong sinugatan, dumaloy ang Iyong habag
Sa ‘Yong muling pagkabuhay, pag-asa nami’y sumilay
Kapayapaang ‘Yong bigay, dulot sa ‘mi’y bagong buhay 

OPTIONAL VERSES
for Easter

Sa bisa ng aming binyag, kami’y ‘Yong naging kapisan
Kasama sa kamatayan, ka(i)’sa sa bagong bu-hay
Espiritu’y panaogin, bayan namin ay baguhin
Nang loob Mo’y aming sundin, Ikaw at kapwa’y ibigin.

Tulutan Mong kami’y maging anong sa ‘min ay tumigib:
Sa naapi’y katarunga’t paglaya sa napipiit
Pag-asa ng nangangamba, paglingap sa dukha’t aba
Pag-ibig na pinipita ng sa Iyo’y umaasa.

Pagkain at inu-min na pinakikinabangan
Handog ng D’yos sa bayan N’yang sinisinta’t hinihirang
Kami nawa’y patnubayan, samahan sa paglalakbay
Hanggang aming mahantungan ang buhay na walang hanggan.