Salmo 118

Lyrics

KORO

Aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya

I (CANTOR)

O pasalamatan ang Diyos na Panginoon
‘Pagkat Siya’y mabuti
Ang Kanyang pag-ibig ay napakatatag
At mananatili

Ang taga-Israel, ‘bayaang sabihi’t
Kanilang ihahayag
“Ang pag-ibig ng Diyos, ang pag-ibig ng Diyos
Ay hindi kukupas!”

KORO

II (CANTOR)

Ang lakas ng Poon, ang Siyang nagdudulot 
Ng ating tagumpay
Ating tagumpay sa pakikibaka
Sa ating kaaway

Aking sinasabing ‘di ako papanaw
Mabubuhay ako upang isalaysay
Ang gawa ng Diyos, ang gawa ng Diyos
Na Panginoon ko

KORO

III (CANTOR)

Ang batong natakwil ng nangagtatayo
Ng tirahang bahay
Ang batong natakwil sa lahat ng bato’y
Higit na mahusay

Ang lahat ng ito, ang nagpamalas
Ay ang Panginoong Diyos
Kung iyong mamasdan, kung iyong mamasdan
Ay kalugud-lugod

KORO