Humayo't Ihayag (choral)

Lyrics

Humayo't ihayag (Purihin Siya!)  
At ating ibunyag (Awitan Siya!)  
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus  
Ang siyang sa mundo'y tumubos!

Langit at lupa, Siya'y papurihan!  
Araw at tala, Siya'y parangalan!  
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!  
Aleluya!

At isigaw sa lahat, kalinga Niya'y wagas  
Kayong dukha't salat, pag-ibig Niya sa inyo ay tapat!  

Halina't sumayaw, buong bayan!  
Lukso sabay sigaw, sanlibutan!  
Ang ngalan Niyang angkin, singningning ng bituin  
Liwanag ng Diyos sumaatin!

Langit at lupa, Siya'y papurihan!  
Araw at tala, Siya'y parangalan!  
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan, sa tanan!  
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!  
Aleluya!