PDA

View Full Version : Paano po mawala agad ang paos?


Songerkuno
08.12.08, 03:11 PM
guys nid help, paos kasi ako ngayon tapos kailangan ko po kumanta this friday for a school program. Paano po kaya magandang paraan para matangganl agad yung pagkapaos ko kasi hindi ako makapag-practice? salamat po in advance!

recoletomusic
08.12.08, 03:48 PM
1. REST.. REST.. REST

2. Ang dakilang Luya!

ka Paul
08.12.08, 05:22 PM
2. Ang dakilang Luya!

scientifically, ang luya ang best remedy para jan...

+ pumutol ka ng kasing sukat na kendy from luya tapos sipsipin mo rin ito ng parang candy^_^

+ or magtimpla ka ng salabat




insights:
walang scientific explanation na ang luya ay nagpapaganda ng boses... nakasanayan lang yan ng mga matatanda the old tradition way (salabat)... to quote "hindi nagpapaganda ng boses ang salabat"... it's an herbal medicine...

eduserusan
08.12.09, 12:06 AM
Bout sa luya...

Opo very effective ang luya. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Mabaho nga lang sa bibig.:)

Para mas masarap kumain nalang kayo ng tinola. Doon maraming luya.

Cheers!:)

ka Paul
08.12.09, 04:49 AM
^ ROFLMAO

tumpak! samahan mo pa ng papaitan hahahahaha



@ed

nabaliw ako dun sa sagot mo ROFLMAO

medtech
08.12.09, 07:03 AM
ako nainom ako nung PEI PAH KOA chinese syrup sya para sa allergy para sakin nakakatulong pero the best eh wag kang magsalita the whole day!!!! dont drink cold h20

medtech
08.12.09, 07:05 AM
Bout sa luya...

Opo very effective ang luya. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Mabaho nga lang sa bibig.:)

Para mas masarap kumain nalang kayo ng tinola. Doon maraming luya.

Cheers!:)

:D:terrified:LOLLOLLOLLOLLOLLOL:ecstatic::ecstatic ::ecstatic::ecstatic::devil::devil: infairnesss natawa ako dun ha!!! oo nga after praktice dapat tinola ang meryenda

Songerkuno
08.12.09, 05:15 PM
Maraming Thanks mga kuya! ha, ha, ha... magtitinola na lang ako!

eduserusan
08.12.09, 09:32 PM
hahaha...

Btw, konti lang ang luya sa tinola, and mejo nawawala na ang bisa nito pag nasa tinola na. The best pa rin ang pagkekendi ng luya!

Cheers!:)

LMacaranas
08.12.11, 04:42 PM
Makakatulong din yung lozenges. Higit sa lahat, Rest. Yun ang pinakamadaling pampawala ng paos.

Songerkuno
08.12.11, 06:45 PM
thank you po sa lahat! nung isang araw pa natanggal ang paos ko! salamat ng marami!

silveryellow
08.12.12, 08:51 AM
You can also find other related suggestions here: ;)


http://www.bukaspalad.com/board/showthread.php?t=3647&highlight=sore+throat&page=3

simpatico
08.12.12, 10:40 AM
Ganito yan eh.. "prevention is better than cure" we singers have no other equipment but our voice, kapag paos tayo, mahirap yan.. nakakabitin din kasi minsan if we want to sing hindi natin magawa. Kapag galing kayo sa mainit at pinagpapawisan pa lang, wag agad pumasok sa isang airconditioned room. hintayin muna na mag-stabilize ang temperature mo bago ka pumasok dahil kapag hindi, matutuyuan ka nang pawis at yun ang magiging sanhi ng pagka paos.

jc2enriquez
08.12.13, 02:07 PM
hehehe wala na ba alternate sa luya ??? hahahaha

eduserusan
08.12.13, 02:51 PM
@jc2enriquez

Drink lots of water. and mas maganda kung hindi mo masyadong gagamitin yung bibig mo. (wag masyadong magsalita para mapahinga ng mabuti yung bibig mo)

Cheers!:)

Karl Jansen Zandoval
08.12.13, 06:14 PM
pag paos na, matulog ng maaga, wag na magpuyat, para magkaroon ka ng complete rest,chaka wag ng iinom ng malamig na tubig.. tiis tiis muna :)

bammuzk
08.12.13, 06:41 PM
pahinga lng yan.... iwasan muna sobrang pagod at paggamit ng voice mo ng matagal....
:)

familia singles
08.12.19, 11:30 PM
pampagaling sa paos? rest... rest... rest... zzzzzzzzzz... hehehe.

kahit po paggising ulit, ipahinga pa din ang voice by avoiding frequent talking especially kung bumubulong. lalong nakakapaos ang pagbulong over normal voice kasi di po normal ang ginagamit nting boses kapag bumubulong tayo at nasstrain ang vocal chords. you may want to check mga medical books for the veracity of this. God bless po.

reksuyah
08.12.20, 07:53 AM
pano ba ito? sumasakit na lalamunan ko... baka mapaos ako huhuhu madami pa namang activities. puyatan din kasi nowadays...

st blaise pray for us...

Nikolo De Solo
08.12.21, 03:57 PM
Enough rest & drink plenty of water.

eduserusan
08.12.23, 01:31 PM
One good tip:

Avoid softdrinks! Promise. Nakakatulong!:)

And kahit holidays, mejo iwasan ang pag-inom ng madaming alak.

Cheers!:)

lethal_rence
08.12.27, 04:49 PM
Kapag may time na puwede magpahinga, magPAHINGA.kapag hindi kailangan kumanta, WAG kumanta. Inom lagi ng tubig..yung maligamgam lang. Iwas tamis at malamig na inumin at pagkain.

eduserusan
08.12.29, 04:37 AM
Tama po yung suggestions nila. Prevention is still better than cure.

vouluge14
09.01.13, 08:58 PM
Wag pong gagamit ng Strepsils...heheheh.tubig is the best....:)

jash12per
09.01.13, 09:31 PM
Mostly na napapaos is yung mga taong salita ng salita at sigaw ng sigaw.. kaya sabi nga, umiwas sa mga maiingay na lugar para maiwasan na ilakas yung pagsasalita..

darigold
09.01.15, 08:29 PM
mga ate/kuya, yung choirmaster namin nag prescribe ng "pei pa koa". eto po ay candy, menthol, at nabibili po sa mercury drug stores. so far ok naman po, laking tulong nga po s amin eto lalo na nung christmas.

jash12per
09.01.16, 09:28 AM
mga ate/kuya, yung choirmaster namin nag prescribe ng "pei pa koa". eto po ay candy, menthol, at nabibili po sa mercury drug stores. so far ok naman po, laking tulong nga po s amin eto lalo na nung christmas.

hindi ko alam kung totoo pero may halo daw itong formalin..

recoletomusic
09.01.28, 12:15 AM
Ang balita ko yung candy lang daw ang may halo. Yung syrup naman daw wala. So mas OK siguro kung yung syrup na Pei Pa Koa ang inumin.

jash12per
09.01.28, 11:53 AM
Ang balita ko yung candy lang daw ang may halo. Yung syrup naman daw wala. So mas OK siguro kung yung syrup na Pei Pa Koa ang inumin.

Oo yata, yung candy lang.:)

james2009
09.12.09, 04:20 PM
I agree. Pei pa koa really works but I didn't know about the formalin..

Emerald
09.12.10, 01:08 PM
di po ba yan makakasama?

in my heart
09.12.14, 02:09 PM
Ito po ang aking problema for this fast few months, after sunday, lagi akong paos...unang una, ang nature ng aking trabaho ay always nagsasalita especially customer concerns...second, is every saturday ang aming practice then sunday, 2 masses ang dinadalohan ko isa sa parish namin at isa sa community namin...ngayon ang aking problema ay after the week wala na akong boses....consistent yun pagdating ng monday as in wala akong boses...ang hirap anyone who has tips and techniques how can i avoid for this problem.... :(

Alexander
09.12.15, 11:50 AM
Very common during Christmas season dahil sa Carollings at Simbang Gabi... :P

Kaya solution dito is to avoid being "paos" kasi sobrang pagod yan. Kaya sa choir namin dati, I am telling them to choose only one, either carolling or Simbang Gabi.

To answer the question para mawala agad ang paos.... REST.

titopao
09.12.15, 12:02 PM
And on top of it all...siguruhing walang carolling ang choir sa bisperas ng madaling-araw na Simbang Gabi LOL

Emerald
09.12.18, 12:23 PM
And on top of it all...siguruhing walang carolling ang choir sa bisperas ng madaling-araw na Simbang Gabi LOL

titopao paano kami may schedule kami nang carolling pero alternate naman sa adult pero may mapapaos dahil sa lamig nang panahon

Emerald
09.12.18, 12:25 PM
Very common during Christmas season dahil sa Carollings at Simbang Gabi... :P

Kaya solution dito is to avoid being "paos" kasi sobrang pagod yan. Kaya sa choir namin dati, I am telling them to choose only one, either carolling or Simbang Gabi.

To answer the question para mawala agad ang paos.... REST.

sir alex 2 lang kasi choir sa parish namin kaya wala kaming choice we have to conduct carolling po para makatulong sa church namin! tama ka enough rest lang kailangan!

fhayeobra
10.03.02, 10:03 PM
ako po, naaalala ko pa.. 1st salmo ko nun.. pero kinagabihan bago un, outing namin sa choir namin.. so the next morning, sobrang paos ako nun.. tapos wala pang tulog.. problemado kasi salmo ko nga that day.. ang ginawa ko nun.. natulog muna ako.. kahit 5 hrs.. tapos inom ng salabat.. maraming maraming salabat.. (ewan ko kung advisable pero un ung ginawa ko.. hehe..) trinay kong kumanta, wala.. relax ulit ng boses.. inom ng maligamgam na tubig.. tapos try ulit.. hanggang sa magkaron.. hindi talaga ako sumusuko.. thank God, maayos ung pagkakanta ko.. un nga lang, after nun.. natuluyan na'ko.. wala na talaga akong boses.. thankful pa rin ako dahil hindi ako napahiya..

*basta, rest ang pinakamabisang gamot para mawala ung paos.. tsaka kung wala talagang boses.. 'wag ng magsalita hangga't maari.. IPAHINGA ANG LALAMUNAN.. :):):)

dangpogi
10.03.10, 11:43 AM
kain ka lang ng pey pa koa..hehehe..solve na un..tapos samahan mo na din ng salabat sa umaga..:)

shoma5531
10.03.30, 02:48 AM
the best p din po ang pagpapahinga:)